Aabot sa 300 indibidwal, lumikas na sa Tapaz, Capiz dahil sa gulo

Aabot sa 300 indibidwal mula sa bayan ng Tapaz sa Capiz ang lumikas dahil sa pangamba kasunod ng operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa umano’y ilang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA).

Mula ito sa 60 pamilya o halos 300 katao mula Barangay Lahug na pansamantalang nakikituloy sa isang civic center sa kaparehong bayan.

Ang gulo sa bayan ay kasunod ng pagkamatay ng siyam ng katao habang 17 ang naaresto sa pagsisilbi ng mga warrant.


Matatandaang una nang binatikos ng ilang grupo ang operasyon at iginiit na hindi mga miyembro ng NPA ang mga napatay.

Facebook Comments