Aabot sa 320,000 returning OFWs, napauwi na ng DOLE

Aabot na sa 320,000 returning overseas Filipino workers ang napauwi ng gobyerno base sa pinakahuling datos ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Base sa tala ng Overseas Workers Welfare Administration na ipinadala kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nasa 319,333 OFWs ang naihatid na sa kanilang mga probinsya hanggang kahapon, November 21, matapos masuring negatibo sa COVID-19.

Kasama rito ang naitala ngayong Nobyembre na nasa 38,516.


Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang siyang nangangasiwa sa hotel accommodation at pagkain habang naghihintay ang mga OFWs ng resulta ng kanilang COVID-19 test.

Patuloy naman ang pagmonitor ng mga opisyal ng kagawaran sa ibang bansa sa mga kondisyon ng mga OFWs sa kanilang hurisdiksyon.

Facebook Comments