Aabot sa 44 na mga public school teachers at mga personnel’s mula Marawi City, unang makakatanggap ng Psychological First Aid

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni Education Secretary Leonor Briones umaabot na 44 na mga Public School teachers at mga personnels mula Marawi City ang unang makatatanggap ng Psychological First Aid na isinagawa ng Kagawaran katuwang ang National Educators Academy of the Philippines o NEAP sa Region 10 sa Cagayan De Oro City.

Ayon kay Briones nais nilang iparating sa lahat ng mga guro, DEPED personnels at mga mag-aaral na lubhang naapektuhan ng giyera sa Marawi City na ang Kagawaran ay wala ibang hangad kundi ang ikabubuti nila.

Paliwanag ng kalihim matinding dinaranas na trauma ang mga guro, DEPED personnels at mag-aaral kaya kumukuha sila ng mga eksperto sa Stress Management upang tuluyang makabalik na sa normal ang kanilang mga buhay.


Giit ni Briones mahalaga na maibalik sa normal ang kaisipan ng mga guro na na-trauma dahil sa matinding bakbakan sa Marawi City.

Facebook Comments