Aabot sa 54,000 prisoners ang pansamantalang palalayain ng iran dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa

Base sa ulat, umabot na sa bilang na 2,922 ang naitalang kaso ng virus sa Iran kung saan 92 na ang namatay kabilang ang adviser to supreme leader na si Ayatollah Ali Khamenei (ka-me-ne-yi).

Ayon Iran’s first Vice President Eshaq (i-sak) Jahanghiri, naglabas na siya ng utos para sa government ministries na i-suspend muna ang mga international conferences at gatherings sa bansa bilang pag-iingat.

Naging istrikto na rin aniya sila sa mga mamayang nagtatangkang lumabas sa iran para mapigilan ang pagkalat ng virus sa mga katabing bansa tulad ng Iraq, United Arab Emirates (UAE) at Bahrain.


Facebook Comments