Aabot sa 600 bagong mga salita ang napasama sa June 2017 edition ng Oxford English Dictionary.
Kabilang dito ang salitang ‘Zyzzyva’ na nangangahulugang tropical weevils o uri ng insekto na makikita lamang sa South America.
Ang ‘Zyzzyva’ ay salitang ibinigay ni Thomas Lincoln Casey, isang entomologist mula sa Estados Unidos para ilarawan ang nasabing uri ng insekto.
Kasama sa mga bagong salita at phrases na inilabas ng oxford English dictionary ang ‘post-truth’, ‘brexit’, ‘forced error’, ‘chip and charge’ at ‘career slam’.
Facebook Comments