Aabot sa 81 katao ang nasawi matapos atakihin ng hinihinalang militanteng grupo ng Boko Haram ang isang village sa Northeast Nigeria.
Kabilang sa mga nasawi ang mga bata, kababaihan maging ang punong-opisyal ng lugar.
Ayon sa State Government ng Borno, bigla na lang dumating ang armadong grupo sa lugar sakay ng mga armored tanks at trucks saka inipon ang lahat ng mamamayan sa lugar at pagkatapos ay pinagbabaril.
Tumagal ng ilang oras ang insidente kung saan isa ang nakaligtas na ikwinento sa mga otoridad ang nangyari.
Inilibing na ang aabot sa 49 na mga bangkay habang kinuha naman ng mga kamag-anak ang 32 iba pa.
Facebook Comments