Tinatayang aabot sa apat na milyong baboy ang nawala sa bansa dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Sec. William Dar, mula pa noong 2020 ay nasa 12.7 milyong baboy na ang naapektuhan ng sakit, na bahagyang bumaba ngayong taon na nasa walong milyon na lamang.
Ang epekto rin aniya ng ASF ang dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng baboy sa merkado.
Sinisi naman ng DA ang mga mangangalakal at wholesalers ng baboy dahil ito umano ang dahilan kung bakit biglang tumaas ang presyo ng baboy sa merkado.
Sa ngayon, bumuo na ang ahensiya ng sub-task group sa ilalim ng Inter-Agency Task Force Group on Food Security (TGFS) na magbabantay sa magmamanipula ng presyo ng karneng baboy sa mga pamilihan.
Facebook Comments