AFP, wala pang kumpirmasyon sa umano’y banggaan sa pagitan ng barko ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea

Patuloy pang inaalam ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang report ng Chinese media sa umano’y banggaan ng barko ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, tinitingnan pa nila ang source ng impormasyon.

Una nito, naglabas ng ‘no comment’ na tugon si Philippine Coast Guard Spokesman for the WPS Commodore Jay Tarriela hinggil sa nasabing usapin.


Samantala, tiniyak naman ng AFP na agad na maglalabas ng pahayag ang Sandatahang Lakas oras na makumpirma ang naturang report.

Facebook Comments