Manila, Philippines – Nakatakdang tugunan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa susunod na linggo ang tumataas na presyo ng asukal sa bansa.
Ayon kay SRA Board Member Roland Beltran, magsasagawa sila ng regular board meeting sa Lunes, June 11.
Aminado si Beltran na hindi pa tiyak kung kinakailangang mag-angkat ng asukal para mapatatag ang presyo nito sa merkado.
Kung mangyayari aniya ito, magiging kauna-unahang sugar importation na mangyayari sa loob ng halos tatlong taon.
Paglilinaw pa ni Beltran, hindi mangangahulugang kulang ang supply kapag mag-aangkat.
Ang Philippine Confectionary Biscuits and Snack Association (PCBSA) ay humihiling sa gobyerno na payagan silang makapag-angkat ng murang asukal.
Facebook Comments