Manila, Philippines – Plano ng Grab Philippines na saluhin muna ang nawawalang kita ng kanilang partner-drivers.
Ito ay ay dahil suspendido pa rin ang kanilang singil na P2 per minute at nakabinbin naman ang hiling na dagdag-singil sa pamasahe.
Ayon kay Brian Cu, Country Head ng Grab Philippines, ibabase nila ang kanilang ayuda sa oras ng biyahe kaya at mas makikinabang dito ang drayber na madalas na naiipit sa mabagal na trapiko.
Paglilinaw naman ng Grab, walang ipapasa na dagdag-pasahe sa mga pasahero kapag ipinatupad nila ang subsidyo.
Umaasa ang Grab na mababawasan ang pasaway nilang mga drayber sa kanilang ibibigay na ayuda.
Kasabay nito, nagabiso naman ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga driver ng TNVS na iproseso na nila ang kani-kanilang mga dokumento dahil sa Agosto ay mas paiigtingin na nila ang panghuhuli sa mga kolorum na sasakyan.