Manila, Philippines – Pinasisiyasat ni Magdalo Representative Gary Alejano ang isyu ng kakulangan sa suplay ng bigas.
Ito ay kasunod ng pag-amin ng National Food Authority (NFA) na pang-tatlong araw na lamang ang buffer stock ng bigas na malayo sa standard na 15 days buffer stock.
Sa House Resolution 1648 na inihain ni Alejano, layunin nito na alamin ang tunay na kalagayan ng suplay ng bigas sa bansa.
Aniya, kung sakaling totoo ito, malinaw aniya na matinding kapalpakan ito ng NFA na taliwas sa layunin ng gobyerno na tiyakin ang Food Security ng buong bansa.
Iginiit ni Alejano na manghimasok ang Kongreso dahil mahalaga ang papel ng NFA lalo pa`t dito umaasa ng murang bigas ang publiko.
Hinihiling din ang pagkakroon ng remedial measures para matugunan ang rice shortage sa pamamagitan ng pagpapalakas ng rice production.