Quezon City – Patuloy na inaalam ng Quezon City Police District kung saan at sino ang source ng magkasintahan na nahuling nagbebenta ng mga party drugs.
Nasakote ang mga suspek na sina Russel Tan at Jazel Cabresos sa isinagawang buy-bust operation sa isang apartelle sa examiner street sa West Triangle.
Nakuha mula sa dalawa ang mga naka-pack na cocaine na nasa 21 gramo, 26 na ecstasy, 8 bote ng liquid ecstasy at iba pang drug paraphernalia.
Tinatayang aabot sa mahigit P300,000 ang halaga ng mga nasabat na iligal na droga sa dalawa.
Todo-tanggi naman sa paratang ang babae habang ang lalaki ay minsan ng nadakip noong 2015 pero nakalaya ito matapos na makapagpiyansa.
Facebook Comments