Manila, Philippines – Bineberipika na ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga ulat na maraming guro ang mawawalan ng trabaho kapag inalis ang Filipino at Panitikan subjects sa college curriculum.
Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera – kukumpirmahin nila ang mga ulat na nasa 10,000 guro ang maapektuhan.
Dagdag pa ni De Vera – wala silang datos kung ilang guro ang nag-apply para sa senior high positions.
Mahirap pa aniya tukuyin ang posibleng impact.
Una nang igiinit ng Tanggol Wika, isang Filipino language advocacy group na nasa 10,000 guro ang mawawalan ng trabaho kapag nagkaroon ng pagbabago sa education curriculum.
Binigyang diin pa ng grupo na magiging mahirap din para sa mga guro na mag-shift sa basic education dahil sa dagdag namang workload at maliit na sahod.
Sampal din ito sa mga teacher at professor na kumukuha ng higher studies sa Filipino at Panitikan.