AALIS NA BA? | Maine Mendoza, pagod na raw sa showbiz?

Manila, Philippines – Napapagod na raw sa showbiz ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza.

Opinyon ito ng co-host ni Maine sa isang noon time show na si Paolo Ballesteros kasunod na rin ng naging kontrobersyal niyang blog post.

Sa isang press conference sa kanyang upcoming movie na “Amnesia Love” sinabi ni Paolo na posibleng nabigla at masyadong na-overwhelm ang aktres sa pagsabak niya sa showbiz lalo’t baguhan pa lang ito sa industriya.


Pero paglilinaw ni Paolo, si Maine lang ang makapagbibigay-linaw sa tunay na plano niya sa kanyang showbiz career.

Facebook Comments