Opisyal nang kakalas ang Qatar sa Organization of the Petroleum Exporting Countries o OPEC.
Ang Qatar din ay isa sa maliliit na oil producers sa OPEC pero pinakamalaki umanong exporter ng liquefied natural gas sa buong mundo
Base sa inilabas na pahayag ng Qatar Petroleum, aalis na sila sa oil cartel sa January 1, 2019 matapos ang halos 60 taon na pagiging miyembro nito.
Ayon sa Qatar Ministry of Energy Affairs, nakatuon ang kanilang bansa sa planong mag-develop at i-angat ang kanilang natural gas production.
Ang Qatar nasa ilalim ng diplomatic at economic embargo ng ilang Arab countries tulad ng Saudi Arabia at United Arab Emirates.
Facebook Comments