AALISIN | Pinakamurang presyo ng NFA rice, pinag-aaralang alisin sa merkado

Manila, Philippines – Pinag-iisipan ng National Food Authority (NFA) na alisin sa merkado ang murang presyo ng NFA rice.

Ayon kay NFA Director Rex Estoperez – tinitingnan nila ang magiging epekto kapag inalis ang 27 pesos na kada kilo na NFA rice sa mga pamilihan.

Bagama’t hindi kasing ganda ang kalidad kumpara sa commercial rice, tinatangkilik pa rin ng marami ang bigas dahil mura.


Pinag-aaralan din aniya kung magkano ba dapat ang pinakamurang NFA rice o kung ang 32 pesos na kada kilo na lamang ang matitirang ibebenta sa merkado.

Kailangan muna kasing maaprubahan ng food council maging ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments