Manila, Philippines – Babantayan ng Department of Agriculture ang aangkating bigas ng National Food Authority ngayong taon.
Ito ang tiniyak ni Agriculture Secretary Manny Piñol, matapos ipag-utos ng Inter-Agency NFA council na lagdaan ni NFA administrator Jason Aquino ang mga natitirang import permit para sa minimum access volume scheme.
Ayon kay Piñol, kapag labis ang naangkat na bigas, posibleng bumaba ang presyo nito na makabubuti sa mga mamimili, pero posibleng maapektuhan ang mga lokal na magsasaka.
Batay sa pagtaya ng International Rice Research Institute, kapag hindi nag-angkat ang bansa posibleng kulangin ang supply ng bigas ng 800,000 metriko tonelada hanggang 1.2 milyong metriko toneladang bigas.
DZXL558
Facebook Comments