Manila, Philippines – Planong umapela ang food giant na Jollibee foods corporation kasunod ng direktiba ng Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil pare-regularize ng higit 6,000 nitong manggagawa.
Ayon sa Jollibee, natanggap na nila ang kautusan mula sa labor department at tatalima sila sa legal na proseso para i-apela ang kautusan.
Bukod sa regularization, inatasan din ang Jollibee na ibalik ang mga umanoy ilegal na nakolekta nilang bayad mula sa higit 400 nilang manggagawa na nagkakahalaga ng higit 15 milyong piso.
Nabatid na nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na pagbabawalan niya ang kumpanyang nagha-hire ng mga empleyado na nakapaloob sa short-term contracts.
Facebook Comments