Manila, Philippines – Maghahain ng motion for reconsideration (MR) ang kampo ni Senadora Leila de Lima sa korte makaraang ibasura ang hirit nitong furlough.
Ayon kay Atty. Boni Tacordon legal counsel ng senadora ihahain nila ngagong araw ang apela sa sala ni Muntinlupa city Regional Trial Court Presiding Judge Amelia Fabros-Corpuz.
Sa desisyon kahapon ni Judge Corpuz sinabi nito na hindi dapat bigyan ng VIP treatment o ibang pagtrato ang senadora.
Maaari ding malagay sa panganib ang seguridad ng mga estudyante ng San Beda College – Alabang kapag sumipot si De Lima sa nasabing graduation ceremony
Sa halip pinayuhan na lamang ng korte ang mga kaanak nito na kuhanan ng video ang graduation rites at ipapanood sa nakaditeneng senadora.
Nabatid na magtatapos ng abugasya ang anak nitong si Vincent Joshua de Lima Bohol sa San Beda College – Alabang sa darating na Hunyo a-3