AAPELA | Sister Patricia Fox, dudulog sa DOJ matapos tuluyang ikansela ng Bureau of Immigration ang kanyang missionary visa

Manila, Philippines – Aapela sa Department of Justice (DOJ) si Sister Patricia Fox matapos na ibasura ng Bureau of Immigration (BI) ang kanyang Motion for Reconsideration (MR) sa pagkansela sa kanyang missionary visa.

Iginiit ng mga abugado ni Sister Fox na sa ilalim ng rules of procedure ng BI, hindi pa immediately executory ang desisyon ng BI.

Si Sister Fox ay may karapatan anila sa due protection at sa pantay na proteksyon ng batas.


Umaasa rin ang kampo ng Australian missionary na tatalima ang BI sa rule of law at hindi aarestuhin o pwersahang ipade-deport si Sister Fox.

Naninindigan si Sister Fox na ang pagsali niya sa mga pagtitipon ng mga magsasaka at mga manggagawa ay hindi pampulitikang aktibidad.

Facebook Comments