AAPRUBAHAN NA | 2018 National budget at TRAIN, lalagdaan na sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Nakatakdang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo ang Tax reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN at ang 2018 national budget.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, sa December 19 nakatakrang lagdaan ng Pangulo ang dalawang panukala na siyang ipatutupad sa susunod na taon.

Sa TRAIN o ang tax reform ng adminsitrasyon ay inaasahang bababa ang buwis na babayaran ng mga manggagawa pero tataas naman ang excise tax sa mga produktong petrolyo, sweetened products, at mga sasakyan.


Matatandaan na matinding pinagdebatehan ng mga senador at mga kongresista ang 3.767 trillion pesos na budget para sa susunod na taon pero naplantsa naman ito ng Mataas at Mababang Kapulungan ng kongreso.

Aabangan naman ngayon kung gagamitin ni Pangulong Duterte ang kanyang Veto power sa national budget.

Facebook Comments