AAPRUBAHAN | Panukalang National ID System, inaasahang maapurbahan sa senado sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Sa susunod na linggo, inaasahang maaaprubahan na ng
Senado ang panukalang National ID System.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson, Chairman ng Committee on Public Order and
Illegal Drugs, inaasahang maipapasa na nila sa ikatlo at huling pagbasa ang
naturang panukala.

Sinasabi pa ng senador na makatutulong ang National ID System para bumilis
ang mga transaksyon sa gobyerno dahil isang ID na lamang ang gagamitin.


Sa Senate Bill number 17-38 o ang Philippine Identification System Act of
2018, magkakaroon ng National ID na may panghabambuhay na ID number para sa
bawat Pilipino kasama na ang mga dayuhang naninirahan sa bansa.

<#m_-5181749249981009161_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments