AARALIN ANG KASO | DOJ, iimbestigahan ang mga umano’y nilabag ng Rappler

Manila, Philippines – Magsasagawa na rin ng imbestigasyon ang Department of Justice kaugnay sa umano’y iba pang nilabag ng media outfit na Rappler.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguire II, inatasan na niya ang DOJ legal staff na aralin ang kaso.

Sa inilbas na desisyon ng Security Exchange Commission (SEC), hindi lang mass media law at foreign investment act ang nilabag ng Rappler kundi ang anti dummy law.


Ipinagbabawal kasi sa mga Philippine Corporation na magpagamit sa mga dayuhang para makapagnegosyo sa mga industriyang laan lang sa mga Pilipino.

Facebook Comments