AARANGKADA | Jeepney Modernization Program, sisimulan sa Enero 2018

Manila, Philippines – Aarangkada na sa susunod na buwan ang Jeepney Modernization Program.

Ayon kay Transportation Undersecretary, MMDA General Manager Tim Orbos – uumpisahan na pagtatanggal ng mga karag-karag na jeep at papalitan ng mga bago at modernong unit.

Ani ni Orbos – binibigyan ng gobyerno ang mga driver at operator ng jeep ng sapat na panahon para makabili ng mga bagong unit ng jeep.


Iginiit pa ni Orbos na mas pipiliin ng mga pasahero na sumakay ng mga modernong jeep dahil mas maginhawa at ligtas ito.

Gagastos ang pamahalaan ng 843 million pesos para sa susunod na taon para sa ipatupad sa buong bansa ang modernization program.

Lahat ng mga PUV na may edad 15 taon pataas ay ipe-phase out at papalitan ng mga bagong unit na may automated fare collection system, digital security at dashboard camera, wi-fi internet, GPS tracking devices at speed limiter.

Ang mga bagong PUV ay maaring maitakbo ng euro-4 diesel engines o electric battery.

Facebook Comments