AARANGKADA NA | 15 mga bago at modernong jeepney, magsisimulang tumakbo sa Pasay City ngayong araw

Pasay City – Magsisimula nang tumakbo ngayong araw labing limang mga bago at modernong jeepney sa Pasay City.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang 15 mga modernong jeepney ay bahagi lamang ng kabuuang 35 na mga jeep na nakapasa sa requirement checklist ng PUV modernization program.

Ang mga bagong jeep ay may mga rutang: – Star City/Cultural Center of the Philippines (CCP) hanggang Philippine International Convention Center (PICC) – GSIS Building/Senate hanggang Mall of Asia hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange
Ang naturang mga ruta ay nasa ilalim ng pamumuno ng Senate Employees Service Cooperative (SETSCO) na inaprubahan naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).


Facebook Comments