Manila, Philippines – Inaasahang magiging operational na sa susunod na buwan ang kauna-unahang modern intermodal public transport terminal sa bansa.
Ayon kay Transportation Undersecretary for roads and Infrastructure Thomas Orbos, nasa final phase na ang construction ng Integrated Terminal Exchange o ITX sa Parañaque City.
Aniya, mula nitong May 28, nasa 88.28% complete na ang proyekto.
Ang ITX ay layuning magbigay ng maayos at mabilis na paglilipat ng mga pasahero sa iba’t-ibang transportasyon, fixed departure schedules, at centralized ticketing system para sa mga provincial bus.
Dagdag pa ni Orbos, 100,000 pasahero ang makikinabang nito at mababawasan nito ang mga bumibiyaheng bus, jeep at UV express vans sa Edsa.
Ang ITX ay ikokonekta rin sa itatayong istasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 na bahagi ng Cavite extension.