General Santos – Aarangkada na sa Miyerkules, May 30 ang formal launching ng Brigada Eskwela sa General Santos City.
Limang araw ito bago ang pagsisimula ng kalse sa June 4.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones – napili nila ang Gensan para pagdausan ng Brigada Eskwela para maging kinatawan ng Minadanao Region.
Matatandaang noong nakaraang taon, sa Visayas isinagawa ang Brigada Eskwela.
Pero bago pa man ang pormal na pagsisimula ng BRIGADA Eskwela, ilang mga guro at magulang na ang nagsimulang maglinis ng mga silid-aralan nitong nakaraang linggo.
Samantala… pipilitin ng DepEd na madagdagan ang mga guro ngayong school year kung saan 75,000 ang kanilang kailangan.
Target kasi ng ahensya na gawing 1 is to 25 ang ratio ng guro at estudyante sa kindergarten, habang 35 sa grades one to four at 40 estudyante sa grade five at six.