AARANGKADA NA | Job fair ng TESDA magsisimula na sa Huwebes

Manila, Philippines – Ikakasa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang jobs fair at financial assistance sa darating na Agosto 25 at 26 sa lahat ng rehiyon sa buong bansa.

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling Mamondiong ang jobs fair na pinangalanang “world café of opportunities through jobs linkages and networking services” ay idaraos kasabay sa pagdiriwang ng ahensya ng ika-24 taong anibersaryo at selebrasyon ng kauna-unahang National Tech-Voc Day.

Paliwanag ni Mamondiong, ang pagdiriwang ay nakatuon sa pagbibigay ng tulong at oportunidad sa mga Technical Vocational Education and Training (TVET) graduates/alumni.


Ito ay gaganapin ng sabay-sabay sa 17 rehiyon ng bansa para sa mga TVET graduates na naghahanap ng trabaho pati na din ang pag-aalok ng pautang sa mga gusto namang magnegosyo.

Dagdag ni Mamondiong, tinatayang 17,000 job vacancies ang inihanda.

Karamihan umano sa mga iaalok na trabaho ay sa kontruksiyon alinsunod sa build, build, build program ni Pangulong Rodgrigo Duterte.

Facebook Comments