AARANGKADA NA | Kauna-unahang eco-airport sa bansa bubuksan na bukas!

Pasisinayahan na bukas ang kauna-unahang “eco-airport” sa Pilipinas.

Ang Bohol-Panglao International Airport na tinaguriang “Green Gateway to the World” ay kayang mag-accommodate nang hanggang dalawang milyong pasahero kada taon, higit doble sa kapasidad ng Tagbilaran Airport na 800,000 passengers kada taon.

Mayroon din itong mga environment friendly features tulad ng solar panels sa Passenger Terminal Building at gagamit din ito ng natural ventilation at maaari ring magamit muli ang waste water mula sa airport o ibalik ito sa kalikasan dahil pasado sa mga pandaigdigang pamantayan ang solid waste disposal system at waterworks system ng paliparan.


Simula din bukas ay tatanggap na ng international flights ang Bohol-Panglao International Airport

Inaasahang mas dadami pa ang turistang bibisita sa Bohol at iba pang kalapit na lalawigan kapag nabuksan na ang nasabing paliparan.

Facebook Comments