AARANGKADA NA | Konsulada sa Houston, bukas na simula ngayong araw

Makaraang ang dalawamput limang taon, muling bubuksan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayon araw September 24 ang Philippine Consulate General sa Houston upang mapagsilbihan ang lumalaking consular needs ng Filipino community sa South Central United States.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, layon ng muling pagbubukas ng konsulado sa Houston ay consistent sa priorities na inilatag ng Pangulong Duterte na ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga Filipino overseas.

Ang consulate general na isinara noong September 1993, ay muling bubuksan, inaasahan na mapagsisilbihan nito ang may 179,000 Filipinos sa mga estado sa ilalim ng hurisdiksiyon nito, katulad ng Arkansas, Louisiana, Mississippi, New Mexico, Oklahoma at Texas.


Sinabi ni Consul General Jerrill Santos, ang muling pagbubukas ng konsulado ay bilang tugon sa lumalaking pangangailangan ng mga Pilipino sa South Central US at lumalakas na panawagan ng mga Filipino doon.

Sa muling pagbubukas nito, ang consulate general ay mag-aalok ng civil registry services tulad ng reports of birth, marriage and death, notarial services, affidavits certification, issuance of travel documents at fingerprinting para sa National Bureau of Investigation (NBI) clearances.

Habang ang passport processing, visas, authentication services at dual citizenship services ay maging available sa mga darating na araw.

Ang konsulado ay magkakaloob din ng tulong sa mga distressed Filipino nationals, itaguyod ang kulturang Pilipino at palakasin ang ugnayan pang ekonomiya sa pagitan ng Pilipinas at South Central US.

Ang konsulado ay matatagpuan sa 9990 Richmond Avenue, Suite 270N, Houston, Texas at maaari itong makontak sa +1 (832) 668 5139 at sa email address na pcghouston.consular@gmail.com.

Facebook Comments