Manila, Philippines – Aarangkada na mamayang hapon ang taunang parade of stars ng 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ngayong taon, gaganapin ang parada sa lungsod ng Parañaque.
Sa abiso ng MMFF Executive Committee, alas-12:00 pa lamang ng tanghali ay isasara na ang Dr. A Santos Avenue at mayroong ipatutupad na mga counter flow.
At para maging patas, nagkaroon ng palabunutan para sa pagkakasunud-sunod ng mga floats kung saan mauuna ang Vice Ganda movie na ‘Fantastica’.
Sa December 25, araw ng pasko, ipalalabas na sa mga sinehan ang MMFF movies.
Habang magaganap ang MMFF gabi ng parangal sa December 27 sa the theater sa Solaire.
Facebook Comments