AARANGKADA NA | National ID System, ipatutupad na sa Agosto 25

Manila, Philippines – Ipatutupad na sa Agosto 25 (Sabado) ang National Identification System sa buong bansa.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) National Statistician Lisa Grace Bersales, nakasaad sa batas na magiging epektibo 15-araw matapos mailathala sa mga pangunahing pahayagan sa bansa.

Ani Bersales, target nila na makagawa ng isang milyong National ID at ang mauunang mabibigyan ito ay ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps).


Nakalagay na sa Philippine ID ang pangalan, address, birthdate, place of birth, kasarian, blood type, larawan at biometrics.

Ang Philippine Identification System (PHILSYS) Act ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong August 9.

Facebook Comments