AARANGKADA NA | Pilipinas, sisimulan na ang kampanya sa FIBA 3×3 World Cup

Bocaue, Bulacan – Sasagupain nina Jack Animan, Afril Bernardino, Gemma Miranda at Janine Pontejosn ang The Netherlands sa pagsisimula ng kampanya ng Pilipinas sa women’s division ng FIBA 3×3 World Cup mamayang hapon sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Nasa Pool D ang mga Pinay na maglalaro sa unang pagkakataon sa sikat na 3×3 basketball.

Maghaharap ang mga Pinay at Dutch ganap na alas dos singkuwenta ng hapon.


Pagkatapos niyo, babalik ang Pilipinas sa court ng ala-sais kuwarenta para harapin naman ang Germany.

Bukas naman sasabak ang men’s team nina Stanley Pringle, RR Pogoy, Troy Rosario at Christian Standhardinger kontra Brazil at Mongolia.

Facebook Comments