AARANGKADA NA | PRRD, pangungunahan ang pagbubukas ng PITX ngayong araw

Manila, Philippines – Pormal na bubuksan ngayong araw ang kauna-unahang intermodal terminal sa Pilipinas, ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon nito.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang lahat ng provincial buses at iba pang public transport na dumadaan sa Cavite expressway at Coastal road ay hindi na maaring makapasok ng Metro Manila at magtatapos ang biyahe nito sa bagong terminal.


Inatasan na ng LTFRB ang lahat ng Public Utility Vehicles (PUV) tulad ng bus, jeepney at UV express galing sa mga probinsyang galing timog kanluran ng Metro Manila na tapusin ang mga ruta nito hanggang PITX.

Ipinag-utos din ng LTFRB na ang lahat ng city buses, jeepneys at UV express na may rutang hanggang Baclaran at SM Mall of Asia na paabutin ang ruta nito hanggang PITX.

Kaya nitong pagsilbihan ang nasa 200,000 pasahero kada araw.

Ang PITX ay bahagi ng build build build program ng Duterte Administration.

Facebook Comments