AARANGKADA NA | Registration para sa national ID, sisimulan na

Manila, Philippines – Sisimulan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang registration para sa Philippine ID System (PhilSys) sa Setyembre ng susunod na taon.

Ayon kay National Statistician Lisa Grace Bersales, target nila na magkaroon ng pitong milyong magpaparehistro para sa national ID.

Sa ngayon aniya ay tinatapos pa ang proof of concept para sa national ID system kasama ang Philippine Postal Corporation o PHLPost.


Nagdesisyon ang gobyerno na huwag nang ituloy ang procurement para sa proof of concept at sa halip ay gamitin ang system na mayroon sa PHLPost.

Facebook Comments