AARANGKADA NA | Tatlong TNCs, magsisimula nang mag-operate

Manila, Philippines – Magsisimula na sa susunod na buwan ang operasyon ng tatlong bagong Transport Network Companies (TNCs).

Ito ay ang Golag, Hype at Owto.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board Member Aileen Lizada, maari nang i-download ang mobile applications ng mga tnc sa May 8 para sa Owto, May 12 sa Golag at May 19 sa Hype.


Kamakailan ay nag-umpisa na ring mag-operate ang Hirna.

Paglilinaw pa ni Lizada, binigyan ang mga TNC ng dalawang taon para makapag-operate.

Una nang sinabi ng Hirna at Owto na mas mura ang kanilang pamasahe sa nangunguna nilang kalaban na Grab.

Facebook Comments