AARANGKADA NA | Unang batch ng vehicle plates, sisimulan nang ipamahagi sa susunod na buwan

Manila, Philippines – Sisimulan na sa susunod na buwan ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapadala ng unang batch ng mga bagong plaka ng sasakyan sa mga regional offices nito sa buong bansa.

Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante, ang mga plaka na nakarehistro mula Hulyo hanggang Oktubre 2016 ay ipina-ikot na sa lahat ng LTO regional offices at nai-distribute na sa district offices.

Ang mga district office ang siyang magbibigay ng plaka sa mga may-ari ng sasakyan.


Sabi ni Galvante, mag-uumpisa ang LTO sa paglalabas ng available vehicle plates sa unang linggo ng Hulyo.

Maglalabas din ng guidelines kung paano makukuha ng mga driver ang kanilang mga plaka.

Paalala pa ni Galvante, antayin ng mga driver ang notification galing sa LTO bago sila tumungo sa regional offices nito.

Sa datos ng LTO, aabot sa 387,000 motor vehicle plates ang nagawa na.

Facebook Comments