AASIKASUHIN NA | Pagbalangkas ng batas laban sa ilang uri ng kontraktwalisasyon, pamamadaliin na sa senado

Manila, Philippines – Aasikasuhin na sa pagbabalik sesyon ng kongreso sa Mayo 15 ang pag balangkas ng batas laban sa ilang uri ng kontraktwalisasyon.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, magiging prayoridad ng senado ang pagpasa ng kanilang bersyon ng kontraktwalisasyon.

Kapag pumasa ito, saka pag-iisahin ng senado at kamara ang kanilang mga bersyon para makabuo ng panukalang isasabatas ng Pangulo.


Sabi ni Senate Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva, gagawin nilang gabay ang Executive Order ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Isa sa kanilang lilinawin ang labor only contracting na ilegal.

Ayon naman kay House Committee on Labor Chairman, Cagayan Representative Randolph Ting, lilinawin rin nila ang mga klase ng kontraktwalisasyon na dapat payagan at ipagbawal at sinu-sinong mga empleyado ang dapat nasa regular na posisyon.

Pag-aaralan rin aniya nila kung tuluyan ng ipagbabawal ang sub-contracting.

Facebook Comments