Manila, Philippines – Ba-byahe pa Taiwan anumang araw ngayong linggo sina CIDG Director Roel Obusan at PNP-drug Enforcement Group (PDEG) Director Chief Superintendent Albert Ignatius Ferro para asikasuhin ang deportation ni fugitive Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog.
Ayon kay PNP Chief Director Oscar Albayalde, ipadadala niya ang dalawang opisyal sa Taiwan para direktang makipag-ugnayan sa Taiwanese police upang mas mapabilis na pag-uwi nito sa bansa.
Si Ardot na nakababatang kapatid ng napaslang na dating Ozamiz Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog Sr ay nahuli sa Pingtung County Taiwan dahil sa iligal nyang pananatili sa Taiwan.
Kinumpirma ni Albayalde na kinasuhan si Ardot dahil sa paggamit ng pekeng identification card sa Taiwan at kailangan maresolba muna ang kasong ito bago siya maideport.
Aabutin aniya ng isa o dalawang buwan bago maiuwi sa Pilipinas si Ardot para harapin ang kanyang mga nakapending na kaso na illegal possession of firearms and explosives.
Ang mga armas ay natagpuan sa kanyang tahanan noong nagsilbi ng search warrant ang mga pulis sa pamilya Parojinog, na nag resulta sa pagkamatay ni Mayor Aldong Parojinog matapos umanong manlaban.
Si Ardot ay nagtago ng 10 buwan bago nahuli sa Taiwan.