AAYUDAHAN | DepEd – Nakahandang tulungan ang mga gurong sasampahan ng kaso kaugnay ng nagdaang barangay & SK elections

Manila, Philippines – Aayudahan ng Department of Education ang mga guro na sasampahan ng kaso ng mga talunang kandidato kaugnay ng nagdaang Brgy at SK Elections.

Ayon kay Atty. Marcelo Bragado DepEd operations & legal support nakahanda ang kawanihan na magbigay ng legal assistance sa mga guro.

Sa katunayan salig sa Election Service Reform Act (ESRA) magkakaloob ang Commission on Elections ng P50,000 na legal assistance.


Sakop nito ang pagkuha ng abugado, pagsumite ng affidavit at iba pang legal expenses.

Bagamat aminado ang DepEd na maliit ang halaga tiniyak naman ng ahensya na tutulungan sila ng Integrated Bar of the Philippines sa serbisyo ng mga abugado.

Makikipag ugnayan din anila sila sa Public Attorney’s Office para sa karagadagang mga abugado.

Kadalasan ayon kay Bragado may mga gurong ipinaghaharap ng kaso ng mga natalong kandidato sa isyu umano ng pagiging biased.

Facebook Comments