AAYUSIN | DPWH, hinihintay na lang na gumanda ang panahon para masimulan ang pag-aaspalto sa mga nabutas na kalsada

Hinihintay na lang ng Department of Public Works ang Highways (DPWH) na gumanda ang panahon para masimulan ang pag-aayos ng mga kalsadang nasira dahil sa ilang araw nang mga pag-ulan.

Maraming motorista kasi ang nagrereklamo dahil sa mga lubak at butas sa mga kalsada.

Ayon kay DPWH-NCR Director Engineer Melvin Navarro, mahigit 100 road section ang nakitaan nila ng mga nabakbak na aspalto.


Katunayan, kahapon ay sinimulan na nila ang pothole patching sa Edsa kung saan inuunang takpan ang malalaking butas.

Facebook Comments