Manila, Philippines – Nagsimula na ang pag-giba ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga pader at sidewalk sa kahabaan ng main road sa isla ng Boracay.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, nasa 200 establisimyento ang tatamaan ng demolisyon para paluwagin ng limang kilometro ang kalsada na bumabagtas mula sa timog hanggang hilagang bahagi ng Boracay.
Maliban rito, ipababaklas din aniya ang mga gusaling ilegal na ipinatayo ng mga resort sa ilang bahagi ng Boracay.
Tiniyak naman ni Environment Secretary Roy Cimatu, na hihingin nila ang opinyon ng mga taga-Boracay sa mga pagbabagong gagawin sa isla.
Facebook Comments