AAYUSIN | Gastos ng DENR para sa muling pagpapaganda ng Boracay, umabot na sa 9.5 million pesos

Boracay – Aabot na sa 9.5 million pesos ang nagagastos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa muling pagpapaganda ng Boracay island.

Ayon kay DENR Spokesman Usec. Jonas Leones, ang nasabing halaga ay binubuo pa lamang ng projected expenses sa surveys ng mga illegal occupants, demolisyon ng mga illegal structures, monitoring sa mga operasyon at mga hakbang para maresolba ang mga problema sa solid waste, pati na ang paghahain ng reklamo laban sa mga pasaway.

Hindi pa aniya kasama rito ang gastos sa biyahe at operasyon ng hindi bababa sa isang daan at dalawampung tauhan ng DENR mula sa mga regional offices at bureaus.


Inaasahan kasing mananatili ng hanggang anim na buwan ang mga miyembro ng task force na inatasang ayusin ang problema sa kapaligiran ng isla.

Sa ngayon ay nasa isang daan at walumput isa na notices of violations na ang naisilbi ng mga grupo ng DENR sa mga pasaway na establisyimentong lumalabag sa Clean Water Act at Clean Air Act.

Facebook Comments