AAYUSIN | House Committee on Rules, reresolbahin ngayong linggo ang agawan sa minority bloc

Manila, Philippines – Nakatakdang ayusin ng House Rules Committee ngayong Linggo ang komposisyon at mga magiging miyembro ng minority bloc.

Matatandaang tatlong grupo ang nagkokompitensya para makuha ang minorya: ang multi-party opposition sa pangunguna ni Quezon Representative Danilo Suarez; Liberal Party sa ilalim ng pamumuno ni Marikina Representative Miro Quimbo; at ang makabayan bloc na pinamumunuan ni Act Teachers Party-list Representative Antonio Tinio.

Nanawagan si Senador Koko Pimentel na siyang presidente ng PDP-Laban sa mga mambabatas ng mababang kapulungan na panatilihin ang respeto sa bawat isa.


Giit ni Pimentel, ang mga hindi bumoto kay Gloria Macapagal-Arroyo bilang house speaker ay ikinukunsiderang miyembro ng minorya.

Facebook Comments