AAYUSIN | House committee on rules, reresolbahin ngayong linggo ang agawan sa minority bloc

Manila, Philippines – Nakatakdang ayusin ng house rules committee ngayong linggo ang komposisyon at mga magiging miyembro ng minority bloc.

Matatandaang tatlong grupo ang nagkokompitensya para makuha ang minorya: ang multi-party opposition sa pangunguna ni Quezon Representative Danilo Suarez; Liberal Party sa ilalim ng pamumuno ni Marikina Representative Miro Quimbo at ang Makabayan bloc na pinamumunuan ni Act Teachers Party-List Representative Antonio Tinio.

Nanawagan si Senador Koko Pimentel na siyang presidente ng PDP-Laban sa mga mambabatas ng Mababang Kapulungan na panatilihin ang respeto sa bawat isa.


Giit ni Pimentel, ang mga hindi bumoto kay Gloria Macapagal-Arroyo bilang House Speaker ay ikinukunsiderang miyembro ng minorya.

Facebook Comments