Hinikayat ni Kabataan Representative Sarah Elago na maglaan ng pondo para sa rehabilitasyon ng mga pasilidad ng mga State Universities and Colleges (SUCs) na sinira ng bagyong Ompong.
Sa pagtaya na lumabas, aabot sa P428 Million ang halaga ng nasirang mga pasilidad sa mga SUCs.
Pinakamalaking pinsala dito ay mga SUCs sa Cagayan Valley na aabot sa P215 Million, sumunod ang SUCs sa Ilocos Region na may halaga ng damage na P193 Million.
Umapela si Elago na paglaanan ng kalahating milyon ang mga nasirang SUCs matapos ang pananalasa ng bagyo.
Wala naman aniyang ibang mapaghuhugutan ng pondo ang mga SUCs para sa pagpapagawa ng mga nasirang pasilidad.
Hiniling ni Elago na maihabol ang panukalang ito sa 2019 budget ng mga SUCs.
Facebook Comments