Manila, Philippines – Sisimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng dalawang tulay na pinondohan ng China sa Pasig River.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, sa susunod na linggo na ang groundbreaking ng Binondo-Intramuros at Estrella-Pantaleon Bridges.
Inaasahang pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang seremonya.
Ang Estrella-Pantaleon Bridge ay may habang 506.46 meters habang ang Binondo-Intramuros-Bridge ay nasa 734 meters.
Kapwa four-lane bridges ito na nagkakahalaga ng 3.75 billion pesos.
Aabuti ng dalawang taon ang konstruksyon ng dalawang proyekto na bahagi ng Metro Manila logistics masterplan.
Facebook Comments