Sisimulan na ngayong linggo ng Department of Public Works and Highways ang konstruksyon ng Estrella- Pantaleon bridge na naglalayong ikunekta ang Estrella st, sa Makati City at Barangka Drive sa Mandaluyong City.
Ang implementasyon ng tulay na ito ay bahagi ng ayudand ipinagkaloob ng China sa Pilipinas, na inaasahang mabubuksan sa mga publiko pagsapit ng taong 2020.
Nasa 506.46 meters ang haba ng tulay.
Ayon kay DPWH Sec Mark Villar, ang konstruksyon ng tulay na ito ay bahagi rin ng Metro Manila Logistics Network o ang traffic management master plan na naglalayong i-decongest ang trapiko sa Metro Manila.
Facebook Comments