Pasay City – Muling binalikan ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Pasay City at nagsagawa ng clearing operations.
Pinangunahan ni Bong Nebrija Supervising Officer ng MMDA ang nasabing operasyon partikular sa Libertad, Pasay Taft.
Sa kabila nang paulit-ulit na operasyon ng MMDA ay di rin naman nagpatinag ang mga pasaway na mga vendors.
Katwiran ng mga vendors, meron umano silang binibigyan ng sikwenta pesos para sa kanilang proteksyon.
Paliwanag ni Nebrija, hindi maaaring pabayaan na lamang ang mga illegal vendors dahil bukod sa wala nang madaanan ang mga pedestrian nagdudulot pa ito ng masikip na daloy ng trapiko.
Maliban sa mga paninda, mayroon ding mga hinatak na mga sasakyan na naka illegally parked, mga tricycle at pedicab.
Samantala, matapos ang operasyon ng MMDA sa Libertad tumulak naman ang team ni Nebrija sa Roxas Boulevard sakop pa rin ng Pasay City.
Pinaghihila ang mga sasakyan na illegal na nakapark sa tapat ng isang condominium.
Nagkaroon pa kanina ng komosyon sa pagitan ng mga tauhan ng MMDA at ng isang pulis makaraang batakin ang sasakyan nito.
Marami ding nagalit sa ginagawang operasyon ng MMDA pero giit ng ahensya wala silang magagawa kung hindi pairalin ang batas trapiko.