AAYUSIN | MMDA, nagsagawa ng clearing operation sa Tayuman, Maynila

Manila, Philippines – Nagsagawa ng clearing operation ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Tayuman Street, Maynila.

Ilang mga tindahan na nakahambalang sa kalsada ang pinagbabaklas.

Sinita rin ang ilang sakay ng motorsiklo na walang helmet at naka-tsinelas.


Anumang araw ay babalik ang MMDA para matiyak na hindi bumalik ang mga illegal vendors sa Tayuman Street.

Facebook Comments